Random Thoughts sa mga Kwentong Katatakutan

Mag-iwan ng puna

Malapit na naman ang selebrasyon ng Todos los Santos,at sa mga ganitong panahon tradisyunal na nauuso na naman ang mga kwento o motifs na katatakutan, sa TV, sa radyo, sa mga malls, etc.

Isang obserbasyon lang sa mga pelikulang horror, lalo na Pinoy, mayroon halos lahat sila ng ganitong mga elemento sa kanilang plot: Sa grupo ng mga karakter na pagpapakitaan o pagpaparamdaman ng multo o kababalaghan, merong isa o higit pa na hindi naniniwala. Ang mangyayari, pwedeng siya/sila pa ang unang makakita o makaramdam, o siya/sila pa ang mabibiktima, o siya/sila pa ang takot na takot. Lumalabas sa bandang huli ‘yung mga karakter na naniniwala bilang mga tagapangaral, at ang laging moral lesson, “I told you, you better believe or else…”

Pero dahil mahilig ako sa pagbasag sa mga nakasanayan at nagpupumilit na mag-isip sa siyentipikong paraan, Ano kaya kung baguhin/baligtarin natin ang lahat? Halimbawa, hindi lalabas na kontrapelo ‘yung mga di naniniwala. At ang magiging dominanteng patunguhan e ang pagkauwi ng sinasabing “kababalaghan” sa isang siyentipoko at rasyunal na paliwanag. Sa bandang huli, maliliwanagan ‘yung mga paniwalang paniwala sa multo at mag-iisip na rin nang rasyunal. Sa tingin ko mas nakakatalino ang ganitong plot, kaso mukhang masagwa. Mas gusto talaga ng mga tao na tinatakot sila sa mga bagay na di naiintindihan.

Kung sa bagay, ako rin e mahilig sa mga ganyang pelikula o kwento. Ewan ko ba. Siguro kasi, bukas ako sa kahit anong posibilidad. ‘Yung suhestyon ko sa taas e suhestyon lang. Para maiba lang.

Anyways… Magandang araw muli sa inyo at salamat.

Oktubre 28, 2011

Advertisements

Hello world!

1 Puna

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can always preview any post or edit it before you share it to the world.